Abante Tonite Interactive

PBA June pa ang balik – Marcial

397

Hindi pa tuluyang nasusugpo ang banta ng coronavirus disease 2019, may posibilidad na hindi na ituloy ng 10th PBA ang D-League Aspirants Cup 2020.

First week ng March lang nagsimula ang torneo, itinigil na rin nang kanselahin ang Philippine Cup noong March 11.

Sinabi ni commissioner Willie Marcial na nakikita niyang pinakamaagang balik ng PBA ay sa June na, kung mawawala ang banta ng COVID-19 ngayong buwan hanggang May.

Kung June na rin ibabalik ang D-League, magkakaroon nang conflict sa schedule ng school-based teams na kasali sa torneo. Mag-uumpisa na rin sa panahon na ‘yun ang mga collegiate leagues.

Malamang ay gagawan na lang ng paraan kung paano magiging eligible sa PBA Draft ang players na hindi nakapaglaro sa D-League. Isa sa requirements bago makapasok sa Draft ay kailangang nakapaglaro ang player sa D-League.

Ang mga varsity teams na sumali sa Aspirants Cup ay De La Salle, UST, FEU, San Sebastian, Letran, Mapua, CEU, Diliman College, TIP, AMA Online Education at Enderun College. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad