Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA, kickboxing may isisiwalat

0 79

Sentro ng talakayan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast edition ngayong Martes ang PBA bubble at online kickboxing.

Ibabahagi ni PBA Deputy Commissioner Eric Castro ang paghahanda at iba pang mga impormasyon sa Clark bubble sa Pampanga bago ang nalalapit na restart ng Philippine Cup sa Linggo.

Eeksena rin sa session na mapapanood sa livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at Radyo Pilipinas Facebook page sina Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) Secretary-General Atty. Wharton Chan at coach Noriel Acquisio na idedetalye ang 1st Online Kickboxing Musical Form National Championship sa Nobyembre.

Katuwang sa 10:00 a.m. public sports program ang San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Upstream Media bilang webcast partner at Smart. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.