Abante Tonite Interactive

PBA Kume Marcial: Psy war? MVP tamang duda sa SMB

0 357

Hindi nakatakas si Manny V. Pangilinan sa pamba-bash sa pagsuporta niya sa kanyang koponan na TNT KaTropa.

Sa Twitter ay nagtanong si MVP kung mayroon bang nagtatangka na matanggal si TNT import Terrence Jones sa bawat laro sa Finals kontra San Miguel.

“Query: are there attempts to take Terrence Jones out from playing?” tanong ni MVP.

Tingin ng mga netizen, posibleng patama ito sa San Miguel maging sa officiating sa serye.

“Exactly my Q. This Finals has been the worst officiates series Ive seen in years. Not sure why people put up with it – doesnt take a genius to see whats wrong,” ayon kay @tupzicle.

“its too obvious.. thats their only game plan.. smh,” sey naman ni @i_am_legend_25.

Ngunit bukod sa mga kumakampi sa business magnate, mayroon ding tila hindi kumbinsido sa patama ng team owner.

“Ay sus assuming ka naman sir. kahit ayaw ko sa inyo wala ako choice TNT kesa mag mag smb. all part of the game. Gilas vs Australia, your Al Panlilio favored Australians than us because the Aussie Amb was there.

Crazy” giit ni @NYCMaci.
“None. Manay is trying to condition the minds of the fans and the PBA once again. Just tell your team to play the game. Btw, your PLDT service still sucks,” buwelta naman ni @SMB5peat.

Bilang reaksiyon sa tweet ni MVP, sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na ‘no comment na lang ako, ano iyun psy-war?’ kasunod ang pagtawa habang hindi naman sumagot sa text si San Miguel coach Leo Austria. (RP)