Abante Tonite Interactive

PBA-Marcial damay sa galit ng mga fan UMATRAS sa asiad!

By
2,488

Pati ang PBA, nabula­ga sa biglang bagsak ng desisyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Hindi na raw magpapadala ang SBP ng team sa Asian Games sa Indonesia.

Bago mag-alas-11:00 Huwebes nang gabi nilabas ng SBP ang official statement, halos anim na oras pagkatapos ng press conference sa PBA office sa Libis para ihayag na aprubado na ng Board na core ng Rain or Shine ang magdadala sa bandera ng Pilipinas, si Yeng Guiao ang head coach.

“Nagulat kami,” tipid na sagot ni PBA Commissioner Willie Marcial nang hingan ng reaksiyon.

Taong 2006 lang hindi nagpadala ang Pilipinas ng men’s basketball team sa Asian Games, sa Doha, Qatar edition. Pero suspendido noon ng FIBA ang Pilipinas dahil sa hindi pagkakaintindihan ng Philippine Olympic Committee at Basketball Association of the Philippines.

Tuloy, pati PBA ay nadadamay sa inis ng mga fan.

Sabi ni John Bryan Panaligan? (@JBP_18), puppet ng SMC ang SBP at pinaboboykot ang PBA. “#BOYCOTTPBA kalat natin tong hashtag para matauhan ang SBP na parang puppet ng SMC!!”

Si Niko M? (@nmontesur89), sinabing ito ang dahilan kaya nilalangaw ang PBA at nasasapawan ng MPBL. “Thats the reason why wala pumupunta sa mga PBA games at kaya sumisikat ang MPBL. Masyado kayong ganid at abusado. #boycottPBA.”

Pumanig naman si Colette? (@ColetteMiranda) sa PBA. “E di mag MPBL ka may pag boycot e wala naman kinalaman PBA dyan. San naman sikat yan di naman nag rarate yan sinsabi mo.” ()