Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA mauurong sa Okt. 11

0 119

Mauurong ng dalawang araw – mula Oktubre 9 pa-Okt. 11 ang planong pagbababalik ng 45th PBA Philippine Cup 2020 elims sa NBA-style bubble sa Clark City, Angeles dahil sa pagkaatrasado ng mga swab test sa players.

Dagdag din ang pagkahuli rin sa pagtungo ng mga opisyal ng liga sa nasabing lugar sanhi sa masusing paghahanda para sa istriktong ipatutupad na health protocol sa sandaling magpasukan ang lahat sa bubble.

Isa pa, inamin ni PBA Commissioner Willie Marcial nitong Miyerkoles na wala pang go signal sila sa restart mula sa Inter-Agency Task Force (IATF). Pero kumpiyansa siyang matatanggap na ang basbas ng bago matapos ang linggong ito. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.