Abante Tonite Interactive

PBA may pakulo sa Govs Cup – Marcial

383

May bagong pakulo ang PBA sa Governors Cup.

Bawat puntos ng magkalabang teams sa lst 2 minutes ng bawat laro sa season-ending conference, tutumbasan ng PBA ng P100.

Ido-donate ang malilikom sa World Vision.

Tatakbo ang proyekto sa buong elimination round ng torneo na sisiklab sa Sept. 20 sa MOA Arena.

Ang World Vision ay global humanitarian organization na tumutulong sa mahihirap na pamilya para makaahon.

Bilang largest non-profit organization sa bansa, higit 1.5 million na mga bata ang natutulungan ng World Vision taon-taon, sa tulong ng Pilipino sponsors at donors.

“In our own little way, the PBA would want to help change a child’s life lalo na at ang ating liga ay isa sa mga nagsisilbingi inspirasyon sa mga kabataan na mahilig sa basketball at palakasan,” ani commissioner Willie Marcial nitong Linggo.

Partner din ng liga ang World Vision sa kanilang Alagang PBA project.

Ilan sa naisagawa na ng Alagang PBA ngayong season ang annual blood donation drive, at ang wheelchair na ibinigay sa charity ng promoter Double V Productions sa bawat dunk at 3-point shot made sa All-Star game sa Calasiao, Pangasinan nitong April. (VE)