Abante Tonite Interactive

PBA naka-P200M sa season 41

3

Maraming breakthroughs ang naitala ng PBA sa nakaraang season kabilang ang kasunduan sa Samahang Basketbol ng Pilipinas hinggil sa national team program at bagong momentum sa gate sales/TV viewing na sinindihan ng championship run ng Ginebra.

Umabot sa mahigit P200 million ang total gate sale sa PBA Season 41, naging balanse rin ang teams patunay ang tatlong iba’t ibang koponan na nag-kampeon sa tatlong conferences.
Nasa The Plaza Hotel sa Myeondong district sa Seoul ang PBA Board para sa planning session.

Nagkasundo ang PBA at SBP sa 25-man Gilas pool sa ilalim ni coach Chot Reyes, target ang 2019 FIBA World Cup at 2020 ­Tokyo Olympics.

Abante Hiring – IT dep

Bumaba ang PBA gate sale nang masipa ang Gilas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa MOA Arena noong July. Pero nag-rally ang PBA sa third conference sa likod ng Ginebra na sumikwat ng unang titulo makalipas ang walong taon.

Malalagpasan sana ng liga ang gate income ng nakaraang season kung hindi nilimitahan ang bentahan ng SRO tickets sa Ginebra-Meralco finale.

“Ako na mismo ang nagpigil to avoid the risk of any incident,” lahad ni PBA commissioner Chito Narvasa.

Sa Game 6, naglagay­ ang PBA ng giant TV screen sa labas ng Smart Araneta Coliseum para sa daan-daang hindi ­nakapasok sa venue.