Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA, Philta makakaboto

0 225

Kahit may isyu sa badminton at (lawn) tennis, makakaboto pa rin ito sa 53 national sports associations (NSAs) sa halalan ng Philippine Olympic Committee (POC) ngayong Biyernes sa East Ocean Palace Restaurant sa Parañaque.

Ayon nitong Huwebes kay International Olympic Committee (IOC) representative to the Philippines Mikee Cojuangco-Jaworski, kahit dalawang taon nang suspendido ang Philippine Tennis Association (Philta) sa International Tennis Federation (ITF), pinayagan pa ring makaboto ito dahil hindi naman ban sa POC.

“It is a concern from IOC that was relayed to me with respect to PHILTA that was meted with two years suspension from the ITF,” ani Cojuangco-Jaworski.

Gayundin ang Philippine Badminton Association (PBA) maski may kondisyon ang POC na resolbahing panloob ang magiging kinatawan sa eleksiyon sa pag-aagawan nina PBA president Alfredo Abelardo Benitez at dating Vice President Jejomar Binay. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.