Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-PBA player Pascual may depresyon

0 241

Nanawagan sa social media ng suporta, pagmamahal at panalangin ang utol ni ex-Philippine Basketball Association (PBA) player Ronald Pascual na si Ronel dahil sa pagiging busabos na at pinagdadaanan ng kanyang kuya sa Maynila.

“Currently, my brother, Ronald, is in the deepest, saddest stage of his life. Overwhelmed by his pride and depression,” post sa FB nitong Miyerkoles ng nakababatang Pascual sa kanyang 32-year-old, 6-foot-3 guard-forward na ex-pro journeyman sa apat na taong pamamalagi unang Asia’s play for pay hoop noong 2015-18.

SM food to go Banner Ad

Aniya, pautay-utay lang ang naibibigay nilang tulong kay Ronald kapag nanghihingi ng pera pambili ng pagkain sa palit-lipat lang na tirahan sa Maynila makaraos lang. Ayaw aniya ni Pascual na lubos siyang masaklolohan ng kanyang pamilya.

Nagmarka si Pascual sa San Sebasatian Golden Stags na nagkampeon sa 85th NCAA 2009-10, nakaanim na titulo sa NLEX Road Warriors sa 1st-4th PBA D-League 2010-15, at dalawang kampeonato sa San Miguel Beer sa 40th PBA PH at Governors’ Cups 2014-15.

Nagpasabi na si Alaska Milk coach Jeffrey Cariaso na handang umayuda ang Aces na pinaglaruan niya noong 2017-18 makaraang mag-Star Hotshots (Magnolia), GlobalPort (NorthPort) at Blackwater. (ADE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.