Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA: Pukpukang praktis malapit na

0 306

MULA lima hanggang apat na araw pagkatapos ng meeting ni PBA commissioner Willie Marcial sa mga board of governors ay ilalarga na ang full scrimmage ng players.

Biyernes ay una nang pinulong ni Marcial ang 12 coaches at team managers ng mga ito.

Inilatag na ni Kume ang health protocols sa workout, pero puro papawis at pakondisyon lang.

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Diseases na ibukas ang practice facilities.

Isusunod na ang scrimmages.

Aprubado sa coaches ang mahigpit na protocol.

Tinanong din ni NLEX coach Yeng Guiao kung hanggang saan ang tolerance ng liga sakaling magkaroon ng kaso ng COVID-19 habang may workout o practice.

“How do we define cluster cases from an outbreak?” ani Guiao.

‘Yun daw ang kaklaruhin ni Marcial sa Board. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.