Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA referee pinatalsik

0 162

Pinauwi na ni Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Willie Marcial si referee Sherwin Pineda, Lunes, dahil sa kontrobersyal na foul call sa Rain or Shine-NorthPort game Linggo ng gabi.

Sa ulat ng Spin.ph, out na sa Clark bubble sa Pampanga ang reperi na pinituhan si Batang Pier Paolo Taha sa huling 3.1 segundo ng laban, 68-all deadlock, dahilan para mabigyan ng dalawang free throw si Elasto Painters’ guard Rey Nambatac at maibagahe ang panalo.

Ikinadismaya ni NP coach Pido Jarencio at dahil sa pagkatalo, lugmok sa 0-3 ang team. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.