Abante Tonite Interactive

PBA | Romeo nagpapa-trade sa winning team

By
61

Hindi itinanggi o kinumpirma ng mga opisyal ng GlobalPort, pero mukhang gusto nga ni Terrence Romeo na ma-trade.

Ayon sa mga sources, pagod na sa kahihintay si Romeo na maging championship caliber ang Batang Pier at kinausap na niya ang management tungkol sa posibilidad na ma-trade siya.

“He wants to be on a winning team,” salaysay ng isang malapit na tao kay Romeo.

“Matagal-tagal na rin kasi siyang naglalaro sa GlobalPort na wala halos nangyayari at naiinip na siya so ang feeling niya ngayon it’s time to try his luck elsewhere.”

“Commissioner’s Cup pa lang sinabihan na niya ang management, pero walang nangyari,” pahayag naman ng isa pang source na mula mismo sa GlobalPort. Dagdag pa nito, totoo ang tsismis na inalok na ang dating two-time scoring champion sa ibang teams pero walang nangyari sa mga negosasyon.

“Wala namang changes,” ang maigsing sagot ni GlobalPort alternate governor Erick Arejola ng tanungin tungkol sa report.

“Si Terrence lang ang makakasagot diyan,” ang sabi naman ni GlobalPort team manager Bonnie Tan. “Sa akin kasi, wala siyang sinabi bago siya nag-bakasyon abroad bago pa matapos iyung nakaraang season.”

Si Romeo ay sinasabing nakabalik na sa bansa at naki-practice na sa Gilas kahapon.

Pero mapilit ang mga reports at sinabi pa na inalok na si Romeo sa Meralco at TNT. Pero ayaw ng Bolts na maging kapalit sina Baser Amer at Chris Newsome at ganoon din ang KaTropa na ayaw pawalan si Mo Tautuaa.