Abante Tonite Interactive

PBA Trade: Heruela swap kay Dennison

191

‘Di pa halos nag-iinit sa likod ni Brian Heruela ang kanyang Blackwater jersey, hinubad na agad dahil magsusuot ng bago.

Pinag-impake ng Elite si Heruela papuntang Phoenix kapalit ni second-year guard Ron Dennison.

Nasa mesa na ni PBA Commissioner Willie Marcial ang papel ng one-on-one trade, pirma na lang niya ang kulang.

Sa kalagitnaan ng elimination round ng PBA Governors Cup, bumalik si Heruela sa Blackwater mula TNT sa one-on-one trade din kapalit ni Mike Digregorio (nasa Alaska na kapalit ni Simon Enciso).

No. 26 pick ng Elite si Heruela noong 2014, napunta sa San Miguel Beer bago sa KaTropa.

Bukod sa kanyang playmaking skills, kilalang makulit na defender ang bruskong Cebuano. (Vladi Eduarte)