Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBA walang aberya sa bubble

0 94

Suwabe ang unang linggo ng PBA delegation sa Clark Freeport Economic Zone.

Pinakamagandang balita ay puro negative ang resulta ng tests ng players, coaches, team personnel at PBA staff na pumasok sa bubble.

Unti-unti, nasasanay na rin sila sa buhay sa bubble.

Related Posts

Nasubok na ng players ang practice facilities sa kalapit na Angeles University Foundation gym na magiging larangan ng bakbakan umpisa sa Oct. 11. Nagamit na rin nila ang game rooms, swimming pool at golf course.

Mula Quest Hotel, pupunta ng practice venue at babalik ulit sa tinutuluyan.

Ang mga mahilig sa online games tulad ni Kiefer Ravena, bitbit ang sariling game consoles. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.