Abante Tonite Interactive

PBADL: Pare, St. Clare nabuhay

216

Laro sa Martes:
(Ynares Sports Arena, Pasig)
4:00pm — CEU vs. SCC

‘Di pa tapos ang laban.

Nilampaso ng Saint Clare College-Virtual Reality ang Centro Escolar University, 84-50, sa likod ng 17 points at 15 rebounds ni Mohamed Pare para makawersa do-or-die game sa 9th PBA D-League 2019 semifinals Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Naging malupit ang Saints sa pangkalahatan na sinamantala ang eight-man rotation lang ng Scorpions para umiwas sa hukay at muling buhayin pa ang finals bid.

Sumaklolo kay Malian center Pare si Darwin Lunor sa winisik na 14 markers at 11 boards. Kumumpas pa ng tig-11 puntos sina Joshua Fontanilla at Junjie Hallare.

“Nung start pa lang nung third quarter alam ko na amin na eh. So, ‘yun lang adjust kami kung ano pang pwedeng i-adjust,” sabi ni coach Jino Manansala.
“Napakahalaga ng Game Three kasi ako pangarap ko talagang makapunta sa Finals eh [kaya] pagha-handaan namin talaga ‘yung pito o walong players nila,” panapos niya ukol sa knockout game darating na Martes.

Si Franz Diaz ang bigong nanguna sa Scorpions sa kinagat na 19 puntos.

Ang iskor:
ST. CLARE 84 — Pare 17, Lunor 14, Hallare 11, Fontanilla 11, Penaredondo 11, Rubio 7, Palencia 5, Santos 2, Rivera 2, Manacho 2, Tiquia 2, Ambulodto 0, Fuentes 0, Decano 0.

CEU 50 — Diaz 19, Sunga 14, Diouf 7, Santos 5, Guinitaran 5, Bernabe 0, Abastillas 0, Intic 0.
Quarters: 14-7, 36-19, 60-30, 84-50. (Fergus Josue, Jr.)