Abante Tonite Interactive

PBAPC sportswriting contest sa Nov. 22

155

Iniimbitahan ng PBA Press Corps ang Metro Manila schools para magpartisipa sa sportswriting contest sa Nov. 22.

Limited slots lang ang laan via first-come, first-served basis para sa college at senior high students. Bawat school ay puwedeng magpadala ng dalawang writer at isang photographer.

Sa unang pagkakataon ay isinama ang photographers kasabay ng 25th anniversary celebration ng kumpetisyon na unang inilunsad noong 1994.

Required ang participants na magsumite ng valid school IDs at kaila­ngang bona fide member/staff ng kani-kanilang school publication.

May nakalaang cash prizes sa winners. Bago ang contest proper ay magkakaroon muna ng seminar.

Maaaring tawagan si Ms. Hazel Ancheta ng PBA office (0956-8717835) o si Gerry Ramos ng PBAPC (0915-2034869). (VE)