Abante Tonite Interactive

PBB Aljon, Seth pinagsasabong

377

Kaarawan ngayon ni Aljon Mendoza. Pero nu’ng Sunday niya ginanap ang kanyang selebrasyon, na ang nag-organisa ay ang grupo ng kanyang mga tagahanga, ang Team Aljon Global.

Hindi kasi siya makakapag-celebrate ngayon dahil may ta-ping siya para sa unang serye niya sa ABS-CBN 2, ang “Sandugo”, na gumaganap siya rito bilang nakababatang kapatid ni Elisse Joson.

Samantala, si Seth Fedelin na ka-batch ni Aljon sa “PBB Otso” ay sinasabing siyang karibal niya sa popularity. Among their batch, silang dalawa raw ang malaki ang potensyal na sumikat. Anong reaksyon ni Aljon tungkol dito?

“Hindi naman po kasi kami talaga magkaribal (sa popularity). Nagha-hang-out naman po kaming dalawa ni Seth, kaming mga housemates. Wala naman pong problema sa amin, magkaibigan po kami. Ayun, natatawa na lang po kami minsan na pinag-aaway kami ng mga tao kahit hindi naman kami ano,” pakli niya.

Pero sa tingin niya, sino ang mas maga-ling umarte at mas guwapo sa kanila ni Seth?

“May kaniya-kanya po kaming ga-ling, may kaniya-kanya po kaming strength. Kagwapuhan? Eh, depende po sa mga tao ‘yan kung sino sa tingin nila ang mas guwapo sa amin,” natatawang sabi pa ni Aljon. (Rommel P­lacente)