Abante Tonite Interactive

PBB ‘di pinagsasawaan

348

Higit isang dekada nang umeere ang “PBB” sa TV at nakakabilib ang staying power nito dahil bawat season ng reality show, nagmamarka sa mga manonood.

Hataw na hataw din ‘to sa online world! Halos lahat ng episode highlights nito sa YouTube, pumapalo sa one million views. Araw-araw pa itong trending sa social media dahil bawat ganap sa loob ng bahay ni Kuya, ready to tweet/post ang netizens.

Hindi rin maitatanggi na instant celebrity ang housemates paglabas nila sa outside world dahil dinadagsa sila kahit saan man sila pumunta. Nito ngang huli, hindi mahulugang karayom ang Studio XP ng ABS-CBN nang dumalaw doon ang latest batch ng Big 4 ng “PBB Otso.” Nagkagulo talaga ang madlang people!

Ayaw ring paawat ng “PBB Otso” pagdating sa ratings, dahil araw-araw rin itong panalo sa timeslot nito. Marami rin ang gustong mag-catch up ng missed episodes, kaya na-ngunguna rin ang reality show bilang isa sa most viewed programs sa iWant.

May nabubuo ring bromance sa bahay ni Kuya! Marami kasing kinikilig sa closeness ng adult housemates na sina Sky Quizon at Gino Roque IV na kitang-kita ang yakapan moments.

Kaso, nominated for eviction ngayong linggo si Sky, kaya ang GinSky fans ay todo welga para i-save ang kanilang pambato. May iba pang humihingi ng donasyon para masiguradong hindi siya matanggal. Kalorky. (Roldan Castro)