Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PBBM ilalatag plano ng pagbangon sa SONA

0 112

Isang plano para sa pagbangon ng Pilipinas ang ilalatag ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa kanyang talumpati matapos manumpa bilang ika-17 pangulo ng bansa, sinabi ni Marcos na isang “comprehensive, all-inclusive plan for economic transformation” ang inihahanda ng kanyang administrasyon.

“We will build back better by doing things in the light of the experiences that we have had, both good and bad, it doesn’t matter. No looking back in anger or nostalgia,” sabi ni Marcos.

Sinabi ni Marcos na malubak ang kalsadang haharapin ng bansa pero handa siyang samahan ang mga Filipino sa pagdaan dito.

Binanggit din ni Marcos ang ilan sa mga problema ng bansa tulad ng mababang kalidad ng edukasyon, pangangailangan na maparami ang suplay ng pagkain at sa sektor ng enerhiya.

Ilalatag umano ni Marcos ang kanyang plano kung paano nito nais tugunan ang mga problema ng bansa sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo.

SM food to go Banner Ad

“I did not talk much in this campaign; I did not bother to think of rebutting my rivals. Instead, I searched for promising approaches better than the usual solutions. I listened to you. I did not lecture you who has the biggest stake in our success. And the forthcoming State of the Nation will tell you exactly how we shall get this done,” sabi ni Marcos.

Ilalahad din umano ni Marcos ang isang komprehensibong infrastructure plan kung saan ay ipagpapatuloy ang mga nasimulang proyekto ng nakalipas na administrasyon.

Binanggit din ni Marcos ang pagbangon ng turismo sa Pilipinas.

“The recovery of Philippine tourism, with its emphasis on accessing nature’s beauty, I am sure, will exceed expectations,” ani Marcos.

(Billy Begas/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.