Abante Tonite Interactive

PCCO ‘di sangkot sa red-tagging sa mga guro – Palasyo

By
0 130

Pinabulaanan ng Malacañang ang bintang ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na ang Presidential Communications O­perations Office (PCOO) ang nasa likod ng ‘red-tagging’ sa mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers o ACT.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi siya naniniwalang gagawin ng PCOO ang pagmamarka sa mga pampublikong guro.

Baka aniya napapraning lang ang ilang miyembro ng ACT dahil wala namang ginagawa laban sa mga ito.

“There is no such thing. PCOO will not do that. PNP does not also do that. As explained by PNP Chief, it’s part of their intelligence work,” ani Panelo.

Wala aniyang masama kung manghingi man ng mga personal na impormasyon ng mga guro dahil kung walang ginagawa ay walang dapat na ikatakot.