Abante Tonite Interactive

PCG nasa alert status na sa Abril 5

By
10

Simula sa Abril 5, ilalagay na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang hanay sa ‘alert status’ para sa seguridad ng national ports at ferry terminals bilang paghahanda sa nalalapit na paggunita ng Lenten Season.

Nabatid na binigyan ng direktiba ni PCG Officer-In-Charge Commodore Joel Garcia ang lahat ng Coast Guard units na istriktong ipa­tupad ang maximum security measures at panatilihin ang regular na pagmo-monitor sa papauwing mga pasahero sa mga lalawigan para magbakasyon.

Nabatid na tatagal hanggang sa Abril 20 ang alert status ng PCG.

Abante Hiring – IT dep

Dapat umanong tiyakin na hindi overcrowding­ sa pasahero ang mga bibiyaheng barko at inspeksiyuning mabuti kung may sapat na life saving equipment at tiyakin na may mga kaukulang dokumento bago lumabas ng dau­ngan ang mga barko.