Abante Tonite Interactive

PCL mabisang puwersa

595

Pinakamalaking ‘think tank’ o ‘tangke ng matalinong pag-iisip’ ang Philippine Councilors’ League (PCL) na binubuo ng mahigit 17,000 mga konsehal ng lungsod at bayan sa bansa,

Ayon kay Bicol PCL chairman Jesciel Richard Salceda, dahil bahagi sila ng mga pamahalaang lokal sa buong bansa, ang PCL at mga kasapi nito ay malakas na puwersa at sa mabisang ugnayan nito at ng pamahalaang nasyunal ay malaki ang magagawa sa pagtugon sa mga usaping pang-ekonomiya, kahirapan at iba pang suliranin tungo sa makabuluhang pag-unlad.

May kakayanan ang mga konsehal upang tumulong sa pagsulong ng kailangang mga pagbabago sa Saligang Batas at lalong patibayin ang papel ng mga local government unit sa kanilang pag-unlad.

Nasa ikatlong termino bilang konsehal ng Po­langui, Albay at kinatawan ng lokal na liga nila sa Albay Provincial Board, tumatakbo ngayon si Salceda sa pagka-PCL national chairman sa gagana­ping 11th National Congress ng PCL sa Pebrero 26-28 sa SMX MOA sa Pasay City. Nagtapos siya sa Yale University at pamangkin ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means.