Abante Tonite Interactive

PCO sa IPU: Pambu-bully ‘yan

46

Kinontra ng pamahalaan ang pagpupumilit ng Inter-Parliamentary Union o IPU na magpadala ng mga observer sa pagdinig sa kaso ni Senator Leila de Lima.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na ang kagustuhang ito ng IPU ay malinaw na halimbawa ng bullying sa isang independent country tulad ng Pilipinas.

Kaugnay nito, sinabi ni Andanar na dapat ay manindigan ang sambayanan na tutulan ang ganitong uri ng meddling o pakikialam sa domestic affairs ng bansa.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Andanar, malinaw na ang intensyon ng IPU ay hindi para mag-observe sa De Lima trial kundi para makialam sa democratic at judicial processes ng Pilipinas.

Binigyang diin ni Andanar na taliwas sa pinalalabas ng IPU na ang Pilipinas ay isang lawless na bansa, sapat-sapat ang ebidensiyang hawak ng pamahalaan para sa mga hinahabol ng batas tulad ng kaso ni De Lima.