Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PCOO budget hearing sinuspinde sa `red tagging’

0 60

Pinatigil muna ng House committee on appropriations ang pagdinig sa panukalang budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) para sa susunod na taon.

Kasunod ito ng mosyon ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na inalmahan ang ginagawa umanong `red tagging’ sa kanila ni POCC Undersecretary Lorraine Badoy sa social media.

Ipinakita ni Castro ang Facebook post ni Badoy kung saan makikita ang larawan ng mga kongresista ng Makaayan at nakasaad na sila ay mga terorista at hindi mga aktibista.

“Ito ay isang undersecretary at kung hindi niya ma-substantiate ang mga sinabi niya diyan, gamit ang pondo ng gobyerno, gamit ang kaniyang posisyon, threatened kami. Alam naman natin na kapag tinagurian kang terorista, ni-red tag ka, kamatayan, threatened ang aming buhay,” ayon kay Castro.

Dahilan upang agad na nagmosyon si Castro para isuspinde ang pagdinig sa PCOO budget na sinegundahan naman ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.

Pinaliwanag naman ni PCOO Secretary Martin Andanar na ang post ni Badoy ay sa sarili nitong account at hindi kumakatawan sa buong ahensya kaya hindi dapat maapektuhan ang budget nila.

“Whatever our esteemed USec Badoy, if she’s given the right to answer, that is her own post on her own page and that should not affect the rest of the PCOO budget including the agencies’ budget because these agencies’, these monies are for the executive branch, for the PCOO to be able to disseminate information especially during this pandemic,” depensa ni Andanar .

Nasa P1.59 bilyon ang panukalang budget ng PCOO para sa susunod na taon. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.