Abante Tonite Interactive

PCOO budget ipambili na lang ng condom, contraceptive

By
0 253

Para mas maging kapaki-pakinabang ang pondo ng Presidential Communications Ope­rations Office (PCOO), mas mainam na ilaan na lang ito sa ibang gastusin, ayon kay Akba­yan Rep. Tom Villarin.

Pupuwede naman ayon sa solon na ilaan ang budget ng PCOO sa reproductive health.

“We can augment that RH budget from the budget of PCOO, so by cutting down to zero the budget of PCOO proper we could have something around P355 million that can be use more not just efficiently but more effectively as it affects millions of Filipinos and at least two million every year women of reproductive health,” paghahayag ni Villarin sa pulong balitaan kahapon.

Ang mungkahi ng kongresista ay kaka­wing ng kasalukuyang problema na kinakaharap sa tanggapan ng PCOO bunsod ng “Pepe-dede-ralismo” video na pinauso ni Assistant Secretary Mocha Uson.

“The PCOO pro­per has around seven assistant secretaries that receives a total of P13, 023,000 annually and each of them the ­seven assistant secretaries receives P1,860,429 o roughly around P155,00 a month. So ito po ‘yung pinapasa­hod natin kay Mocha Uson na ang ginagawa lang… ginawang kabaret ‘yung Office of the President or comedy bar hindi na po nakakatawa,” paliwa­nag ni Villarin.

Batay naman kay Albay Rep. Edcel Lagman, kinakailangang tugunan ang usapin sa reproductive health.

“The need for a more adequate funding for reproductive health. According to POPCOM (Commission on Popu­lation), we will increase to 107 million by end of this year,” panga­ngatwiran ni Lagman.