Abante Tonite Interactive

PCOO FB post 2 ulit sumablay

By
963

Pinagpiyestahan ng mga netizen ang sablay na Facebook post ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) matapos na magkamali sa pagbanggit ng totoong pangalan ng yumaong si Ex-Parañaque Rep. Roilo Golez.

Naging katatawanan­ sa social media ang PCOO FB post maka­raang banggitin ang panga­lan­g Rogelio ‘Roilo­’ Golez, sa halip na Jose Roilo Golez, nang dumalo ang Pangulo at mga opisyal­ sa lamay ng dating National Security Adviser sa The Heritage Park Mortuary and Crematory sa Taguig City kamakalawa.

Bukod sa nasabing sab­­lay na FB post ay nag-viral din sa socmed, at umani ng sari-saring reaksiyon sa mga netizen ang isa pang palpak na post sa isa sa mga official sche­dule ni Pangulong Rod­rigo Duterte kamakalawa na may kinalaman sa pagpapaalam sa Malacañang ni Norwegian ambassador to the Philippines Erik Forner.

Binigyan ng parangal ng Pangulo ang ambassador dahil natapos na ang kanyang term of service sa bansa.

Sari-saring meme at emoticon ang ginawa ng mga netizen sa naka-post na larawan sa PCOO FB page at ang iba naman ay binatikos ang tila kawalan ng magaling na editor ng PCOO.

Mabilis namang ina­min at itinama ng PCOO ang pagkakamali.