Abante Tonite Interactive

PCOO sablay ulit: Sen. Win ginawang Winston

By
873

Hindi napigilan ni Senador Win Gatchalian na umalma sa panibagong kapalpakan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ito ay nang gawing “Winston” ang pangalan ng senador sa press release ng PCOO.

Sumagot si Gatchalian sa Twitter at sinabing “May pagasa pa ba ang PCOO???”

Ang kapalpakan ng PCOO ay nakapaloob sa press statement noong June 13, 2018 na may titulong “President Duterte commits to provide quality and affordable education to all.”

Sa huling talata ng statement, binanggit dito na “The President witnessed the signing with Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr., Albay Rep. Joey Salceda, Sen. Winston Gatchalian and Zamboanga Sibugay 2nd district Rep. Ann Hofer.”

Ilan sa mga naging kapalpakan ng PCOO ang pagtawag sa Norway bilang Norwegia at ang pa­ngalan ni dating National Security Adviser Roilo Golez na ginawang “Rogelio.”

Ilan naman sa mga netizen ang nagbigay ng kanilang mga suhestyon kung ano ang dapat gawin sa PCOO.

“Abolish PCOO,” saad ni Twitter user @santisimo1.

“Senator @stgatchalian minsan napapakamot na lang talaga ako. I think they need to be re-trained,” tweet naman ni @thejaeamper.

“Kabastusan na po yan, Sir just like what they did to Former Congressman Roilo Golez (RIP). If Andanar won’t fire them sa kabila ng sobrang kahihiyan na, how about giving them a fine of P500K from their pockets each time papalpak sila? Nakakahiya po sa mga taong nababastos,” saad ni Twitter user @romerojo7.