Abante Tonite Interactive

PCSO: 6D, 3D at 2D Lotto umpisa na

0 167

Binago lamang ang tawag subalit ayun pa rin ang laban. Ito ang pinaliwanag ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na kung saan ay binago nila ang pangalan ng mga nakasanayang lotto game na mas madaling mainitindihan.

Ayon sa PCSO, sinimulan na ngayong ­Oktubre ang bagong lotto games na ang dating 6-Digit game tatawagin na 6D Lotto, ang dating Suertres Lotto naman ay 3D Lotto na at ang dating EZ2 Lotto ay 2D Lotto na ngayon.

Samantalang, ang dating STL 2 Digits naman ay tatawagin ng STL SWER2 para maisunod sa larong STL SWER3.

Layunin ng PCSO na isulong ang ­adhikaing makapagbigay ng magandang buhay at ­makatulong sa mga may karamdaman ­lalung-lalo na sa mga kapos at hirap sa buhay nating mga kababayan.

Ang nasabing adhikain ay maisasakatuparan lamang sa pamamagitan ng pondo na malilikom galing sa iba’t ibang laro ng Ahensya tulad ng Ultra Lotto 6/58, Grand Lotto 6/55 Super ­Lotto 6/49, Mega Lotto 6/45, Lotto 6/42 6 Digits, 4Digits, Suertres, EZ2 at Small Town Lottery (STL) Pares, STL 2Digits at STL Swer3. (Vick Aquino)