Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PCSO exec tinodas

0 257

Patay sa pamamaril ang board secretary ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) habang sugatan ang driver nito sa Mandaluyong City, Huwebes ng hapon.

Nagtamo ng apat na tama ng kalibre .45 si Retired Gen. Wesley Barayuga, PCSO Board Secretary, na kagagaling lang umano sa board meeting nang tambangan ng hindi pa tukoy na suspek. Dinala naman sa ospital ang driver nitong si Jojo Gunao.

Ayon sa hepe ng Mandaluyong Police na si P/Col. Hector Grajaldo, sa CCTV footage, nakitang tinabihan ng mga suspek ang minamanehong government car ng opisyal ng PCSO at nang makakita ng pagkakataon ay saka ito pinagbabaril.

“May isa pong kotse na medyo slow down po siya kasi intersection sa unahan tapos biglang tinabihan po to ng suspect at tinira sa passenger side po. Ito pong biktima natin nasa passenger side,” sabi ni Grajaldo sa panayam sa radyo.

Iniimbestigahan na ang pagkakakilanlan at motibo ng suspek. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.