Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PCSO iraratsada online tayaan ng lotto

0 92

Nakatakda nang simulan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang online betting sa kanilang mga laro katulad ng lotto at mga digit game sa unang bahagi sa susunod na taon.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, kanilang sisimulan ang online betting sa pamamagitan ng modernong teknolohiya at Sistema.

Nabatid na ibinigay ng PCSO ang kontrata sa Philippine Gaming Management Corporation-Pacific Online Systems Corp.-International Lottery & Totalizator Systems Inc. (PGMC-POSC-ILTSI) na siyang nanalo sa P6.15 bilyon bidding para sa modernization program ng ahensya.

“It will be online, last month we just awarded the project to the winning group,” pahayag ni Garma sa panayam ng mga reporter.

May dalawang taon umano para gawing 100% ang paglilipat ng pagtaya sa lotto sa mga sopistikadong Sistema.

Kinakailangan na rin umano na magkaroon ng online betting dahil sa patuloy na pananalasa ng COVID-19 pandemic at gusto rin ng ahensiya na madagdagan ang kanilang kita upang tumaas pa ang maibigay nilang poindo para sa charity. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.