Abante Tonite Interactive

PCSO nalagpasan ang ₱60B target sa 2018

By
0 142

Ipinahayag kahapon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nalagpasan ng ahensiya ang P60 bilyon target sales nito noong 2018 kasabay ng pina­igting na kampanya kontra iligal na mga sugal sa bansa.

Batay sa datos na ibinigay ng Gaming, Product Development and Marketing Sector na pinamumunuan ni Assistant General Manager Arnel Casas, kumita ang PCSO ng P63,557,912,238.39 noong 2018.

Ang nalikom na target sales ay mula sa lotto at mga digit game na nagkakahalaga ng P31,902,529,360; P26,103,422,348.39 galing sa STL; P4,397,969,030 mula sa Keno; P1,149,124,000 sa Instant Sweepstakes Ticket; at P4,867,500 galing sa Sweepstakes.

“The official results are in, and I am very excited to report that STL hit PHP26 billion gross sales in 2018 from just PHP4.7 billion to PHP5 billion a year during the previous years. In fact, our overall gross sales is PHP63 billion, breaching our PHP60-billion target,” pahayag naman ni PCSO General Manager Alexander Balutan.

“As you can see, ang laki talaga ng kinikita ng STL tapos sasabihin nila na front lang ng jueteng. Palibhasa, nawawalan na ng kita itong mga iligalista na ito. Next to Lotto and digit games, STL talaga ang nagpapasok ng kita sa ahensya na itinutulong natin sa mga kapuspalad na nangangailangan ng tulong medical, tapos sinisiraan pa nila,” sabi pa ni Balutan.

Base sa Executive Order No. 13 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2, 2017, inatasan nito ang Philippine National Police, Department of Justice, Department of Interior and Local Go­vernment, at Department of Information and Communications Technology na magtulungan para mapalakas ang kampanya laban sa mga iligal na sugal sa bansa.