Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PCSO P35M donasyon sa mga ahensya ng gobyerno

0 85

Mahigit P35 milyon ang ibinigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Sa isinagawang press conference kahapon, sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na ang donasyon ay bilang mandatory contributuons mula Enero hanggang Pebrero ngayong taon para sa mga partner institution ng ahensya.

Ang Commission on Higher Education (CHED) ang ahensya na may pinakamalaking halaga na natanggap mula sa PCSO kung saan umabot ito ng P18,481,431.

Sunod dito ay ang Philippine National Police (PNP) na na nakatanggap ng P15.79 milyong piso, habang pumangatlo naman ang National Bureau of Investigation (NBI) na nakakuha ng P6,315,416.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinundan ito ng Philippine Red Cross (PRC) na may P767,110; Girls Scouts of the Philippines (GSP) na may P278,420; at Philippine Sports Commission (PSC) na nakakuha ng P74,549.

Personal na ibinigay ni PCSO General Manager Garma ang mga tseke sa mga kinatawan ng mga nasabing ahensya sa isang simpleng siremonyang ginanap sa PCSO main office sa Mandaluyong City.

Hinikayat naman ni Garma ang publiko na patuloy suportahan ang mga laro ng PCSO dahil ito ay mga “larong may puso” dahil sa charity ang pinupuntahan ng kita ng kanilang ahensya.

Malaki rin ang kontribusyon na binibigay ng PCSO sa Universal Health Care (UHC) na siya namang itinutulong sa mga mahihirap nating kababayan na walang pambayad sa ospital, dialysis at pambili ng gamot.(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.