Abante Tonite Interactive

PDEA agent namatay na bayani

0 252

Itinanggi ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasabwat sa isinagawang buy-bust operation ang isa nilang ahente na nasawi sa operasyon sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay, Martes nang gabi.

Ayon sa PDEA, maipagmamalaki at ‘di sangkot sa anumang iregularidad ang nasawi nilang agent na si Jack Roland Bastatas. Sa katunayan ay binigyan ng ahensiya ng parangal ang kanyang burol dahil sa pagbuwis ng buhay habang nasa kasagsagan ng operasyon.

Idiniin ng PDEA na dumadaan sa matinding pagsasanay ang kanilang mga tauhan upang matutunan ang kahalagahan ng prinsipyo at kredebilidad sa pagpapatupad ng batas laban sa ipinagbabawal na gamot.

Naunang napaulat na nasawi ang nasabing PDEA agent at tatlong sinasabing kasabwat nitong tulak ng shabu sa ikinasang buy-bust na sina Ibrahim Cula, Jan-jan Mauli at Absar Cula, pawang residente ng Zamboanga Sibugay.

Humihingi ng paumanhin ang pahayagang ito hinggil sa maling pag-uulat ng aming correspondent sa nasabing insidente.