Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PDEA agent sa McDo shootout tagilid buhay

0 228

Nangangamba sa kaligtasan niya at ng kanyang pamilya ang isang survivor sa nangyaring engkuwentro sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) dahil sa mga umano’y banta na natatanggap nito mula sa hindi kilalang indibidwal.

Ayon sa source mula sa National Bureau of Investigation (NBI), isang ahente ng PDEA na sangkot sa insidente, ang nagsabing isa sa pulis na napatay sa Commonwealth encounter ay kanyang kapitbahay.

“The PDEA agent said he recognized his neighbor who was a policeman thus he did not fire his gun, but the policemen still shot him. The policeman was allegedly shot by someone from inside the PDEA vehicle,” ayon sa source.

Sinabi pa umano ng PDEA agent sa mga imbestigador ng NBI, na nangangamba siya para sa buhay ng kanyang pamilya dahil kilala umano sila ng mga taong malapit sa napatay na pulis.

SM food to go Banner Ad

“I hope it can be clarified that it was me, who was shot by our neighbor policeman, not the other way around,” saad ng PDEA agent sa source.

Noong Pebrero 25, dalawang pulis, isang PDEA agent at isang informant ang nasawi sa umano’y anti-drug operation ng dalawang ahensya sa labas ng branch ng McDonald’s sa Quezon City.

Inutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanging NBI ang mag-iimbestiga sa insidente. Inaasahan namang magsusumite na ito ng report anumang oras. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.