Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PDEA agent timbog sa pagpatay ng kapitabahay

0 88

Arestado ang isang miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Visayas matapos nitong pagbabarilin ang kanyang kapitbahay kamakalawa sa bayan ng Madridejos sa Batayan Island sa Cebu.

Nakakulong ngayon sa Madridejos Police Station ang suspek na si David Cataluna Medallo, 36, PDEA agent na nakatalaga sa Central Visayas matapos nitong mapatay ng pagbabarilin ang biktimang si Daniel Alolod, 40, pawang residente ng Barangay Koangkod ng nasbaing bayan.

Sa ulat ni Police Captain Wendell Aabellana, hepe ng Madridejos police station, naganap ang insidente kamakalawa sa Barangay Koangkod.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base sa salaysay sa pulisya ng nanay ng biktima na si Argentina Alolod, nagtungo sa kanilang bahay ang suspek at hinahanap ang kanyang anak subalit laking gulat na lamang ng matandang Alolod nang bigla na lang pagbabarilin ng suspek ang biktima saka mabilis na tumakas.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyong bala ng kalibre .45 baril na pinaniniwalaang pag-aari ng suspek.

Dead on the spot naman sa mga tama ng bala ng kalibre .45 baril ang biktima habang nadakip naman sa isinagawang follow up operation ng pulisya ang suspek sa Barangay Tarong. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.