Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PDEA, AMLC bokya ebidensya vs De Lima

0 181

Nilinaw ng dalawang opisyal ng pamahalaan na walang ebidensya laban kay Senador Leila de lima batay na rin sa kanilang ginawang imbestigasyon sa pagharap nila sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 205.

Sa testimonya nina Artemio Baculi Jr., imbestigador ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) forensic examiner Krystal Caseñas, wala umanong koneksyon o transaksyon si De Lima sa mga drug convict sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Sa pamamagitan ng teleconferencing sa PNP Custodial Center, dumalo si De Lima sa pagdinig sa Criminal Case No. 17-165 at 17-166, na siyang mga kasong isinampa sa kanya sa Muntinlupa RTC Branch 205 nitong nakalipas na Biyernes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kanina, pinresenta si Artemio Baculi ng AMLC sa Criminal Case No. 165, at ang sabi niya, kahit naririnig niya sa mga usapan ang pangalan ni Senator De Lima, eh hindi niya kailanman inimbestigahan ang senadora,” ayon kay Atty. Boni Tacardon, isa sa mga abogado ni De Lima.

Unang sumalang si Baculi sa Muntinlupa RTC Branch 205 noong Setyembre 25 sa Criminal Case No. 17-166, kung saan ibinahagi niyang sa imbestigasyong ginawa niya na wala umanong perang napunta mula sa mga bank account na kanyang sinusuri papunta kina De Lima at kapwa akusado nitong si Jose Adrian Dera.

Ayon pa kay Tacardon, napakahalagang impormasyon din ang ibinigay ni Caseñas sa kanyang testimonya.

“Sa Criminal Case No. 166, pinresenta ng prosecution si Kristal Caseñas. Napaka-importante ng sinabi niya kanina, napaamin kasi natin siya sa aming pagtatanong, na dun sa cellphone extraction report na inilabas ng PDEA sa pamamagitan ni Caseñas, walang nakalagay na may transaction si Dera at si Senadora De Lima na may kinalaman sa kalakaran ng iligal na droga,” paliwanag ni Tacardon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.