Abante Tonite Interactive

PDEA chief kay VP Robredo: Ako man walang kopya ng HVT!

729

“I myself has no copy of the list in my possession. What I am doing is I check it from time to time with my intelligence service and conduct workshops against these personalities!”

Ito ang sinabi ni Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aa­ron Aquino nang mapaulat na tumanggi siyang pagkalooban ng lista­han ng high value target (HVT) si Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Aquino, payag naman umano ang ahensiya na ipakita ang listahan sa team ni Robredo sa closed door meeting sa presensiya ng personnel at may security clearance, dahil ito ay ikinukunsiderang classified information.

“Sa pinakasimpleng explanation — kapag binigay namin ang lista­han kay VP Robredo hindi na namin alam kung sino-sino ang magkakaroon ng access sa lista­han. That will compromise our negation operations,” giit ni Aquino.

Binigyang-diin din ni Aquino na dapat ay alam ng law enforcement ang mga regulasyon kaya hindi ito basta-basta ipinagkakaloob sa sinuman.

Nilinaw ng PDEA chief na ang kaniyang pagtanggi ay hindi na­ngangahulugan na wala siyang respeto kay VP Robredo. “Imagine what will happen to the efforts of law enforcement if that list landed on wrong hands?” ani Aquino. (Dolly Cabreza)