Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PDEA kinalawit higit 500 suspek sa Cordillera

0 246

Umabot sa 503 indibiduwal na sangkot diumano sa ilegal na droga ang naaresto mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon sa Cordillera Administrative Region (CARP), base sa ulat ng tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakabase sa naturang rehiyon.

Ayon kay PDEA-Cordillera regional director Gil Cesario Castro, ito’y resulta ng 636 na anti-illegal drug operation sa nasabing CAR.

SM food to go Banner Ad

Nagresulta rin aniya ito sa pagkakakumpiska ng mahigit P[1.67 bilyong halaga ng mga ilegal na droga at mayroong 669 na kaso ang nasa korte na dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sabi pa sa ulat, karamihan ng mga nahuli na indibiduwal ay itinuturing na mga top drug personality kasama rito ang mga nagtatanim ng marijuana para ibenta.(Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.