Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PDEA: Mga droga sa ‘Pinas puro imported na

0 187

Wala na umanong namo-monitor na malaking mga laboratory ng shabu ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nag-ooperate sa bansa dahil sa pinaigting na kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.

Ito ang sinabi ni PDEA Director General Wilkins Villanueva nitong Biyernes ng umaga sa isinagawang pagsunog ng P13.6 bilyon halaga ng iligal na droga sa Trece Martirez, Cavite.

Aniya, “Actually, wala na kaming namo-monitor na malaking laboratory right now sa Pilipinas.” Dagdag pa nito, “Lahat ng droga na nasa atin ngayon is galing ‘yan sa labas. Ito ‘yung effort natin, ng pulis, ng PNP at ng Customs na talagang mahinto natin ito.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Giit pa niya, kailangang wasakin ang demand side dahil isa ito sa mga puslit na droga galing sa labas. “While we are doing it, we provide corresponding action on the demand side kasi parati kong pinipilit kasi, kung walang demand, definitely, di na magpapapasok ‘yan kasi di na siya profitable.”

Paliwanag ni Vilanueva, tinugunan ng kanyang ahensya ang problema sa iligal na droga hanggang sa barangay level at marami na umanong barangay sa boung bansa ang matatawag na clear na sa iligal na droga.

Sa ngayon target ng PDEA ang mga sindikato na siyang responsable sa pagpapasok ng iligal na droga sa bansa. (Edwin Balasa/ Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.