Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PDEA pipilayin galawan ng pera sa droga

0 107

Tutuntunin ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang balon na pinaglalagyan ng pera maging ang mga bank accounts ng mga drug syndicate para i-freeze.

“Pinupuntahan natin ngayon kung saan ang balon na pinaglalagyan ng pera nila, [drug syndicates] at marami pa kaming ifi-freeze [na bank accounts], in the pipelines, ng mga nahuhuli naming sindikato,” ayon kay PDEA chief Wilkins Villanueva sa press conference sa Valenzuela City, habang isinasagawa ang pagwasak sa mga kemikal sa paggawa ng iligal na droga.

“Hindi lang users at pushers ang binibigyan ng proper intervention but [also] yung may-ari mismo ng pera,” ayon pa kay Villanueva.

Giniit ni Villanueva na ang kanilang operasyon sa freezing bank account ng mga sindikato ay base sa memorandum of agreement (MOA) ng ahensiya na nilagdaan sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) noong 2019.

Sa kasunduan, makikipagkoordinasyon ang ahensiya sa AMLC upang matunton at masiyasat ang aktibidad na money laundering at iba pang mga naging paglabag ng mga drug trafficker sa AMLC. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.