Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PDEA sa QC, naka-lockdown

0 366

Para bigyang-daan ang pagsasagawa ng rapid test sa COVID-19 ng mga officers at personnel, Isinailalim sa lockdown ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) National Headquarters sa Quezon City simula ngayong Miyerkules.

Sa txt message, sinabi ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon, tatagal ang lockdown hanggang bukas (July 9) ng ala-1 ng hapon.

Pero Aniya, ngayon lamang hapon, lahat ay nag-negatibo sa virus ang kanilang resulta sa rapid test kayat uuwi na sila.

Magsasagawa naman ng disinfection sa pasilidad. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.