Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PDEA ‘sinunog’ ng asset sa McDo shootout

0 750

Ni Nancy Carvajal

May nasilip na ‘operational lapses’ o maling aksiyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa naganap na engkuwentro kamakailan sa pagitan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) sa McDo sa Commonwealth Avenue.

Bukod dito, isa sa masusi ngayong sinisilip ng NBI sa nasabing shootout ay ang pakikipag-deal din umano ng isang asset sa mga operatiba ng QCPD.

Bago ang insidente, lumalabas na ang mga PDEA agent na sangkot sa McDo shootout ay nagmula rin sa isang operasyon na ibinigay ng isang informant sa Maynil subalit naging negatibo.

“The same asset led the PDEA agents to the second operation which supposed to take place where the shootout happened. It turned out the asset was dealing with the QCPD operatives,” kuwento ng

source.

Sa ngayon ay patuloy na kinakalkal ng NBI ang sinasabing kapalpakan na naging ugat ng krimen sa pagitan ng nasabing dalawang government anti-drugs enforcement units.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“There were operational lapses committed by the two groups that could have caused the encounter, but as to other aspects like the legitimacy and explanation of their presence in the area, have yet to be studied carefully through the cellphones of the participants in the shooting,” saad pa ng source na pamilyar sa itinatakbo ng imbestigasyon kung saan tinukoy pa nitong “coordination as the primary violation,” ang isa sa dahilan ngunit tumanggi na itong magbigay ng karagdagan pang detalye.

Bukod dito ay sinabi pa nitong nagbigay ng dalawang magkakaibang bersyon ng operasyon ang PDEA at QCPD.

Ayon pa sa source, ang “common denominator” lang aniya sa statement ng PDEA at QCPD pulis ay ang Quezon City.

“PDEA and QCPD police gave different version of the operation, we will know who is telling the truth based on the discussion in the group chat in the cellphones which are now being examined and
analyzed.’’

Sa ngayon, ang walong cellphones na pagmamay-ari ng magkabilang panig ay nasa extensive forensic examination na.

Magugunitang nangyari ang shootout noong Pebrero 24, na ikinasawi ng limang katao – dalawa mula sa hanay ng PNP, isang PDEA agent at isang impormante.

Sa ngayon ay tanging ang NBI ang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-imbestiga sa insidente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.