Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PDEA vs QCPD ratratan sa drug bust, 3 bulagta

0 137

Nagkabarilan ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) sa drug operation sa Ever Gotesco sa Commonwealth, Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Sa inisyal na report, pasado alas-6:00 ng gabi nang bigla na lamang magkabarilan ang mga operatiba ng PDEA at District Special Operations Unit (DSOU) ng QCPD dahilan upang matensiyon ang mga kostumer at empleyado sa loob ng Ever Gotesco sa kanto ng Don Antonio at Commonwealth Avenue sa lungsod.

Dahil dito ay pinigilan ng mga awtoridad na makapasok ang mga residente sa subdibisyon malapit sa pinagyarihan ng engkwentro, maging ang daloy ng trapiko ay naapektuhan.

Ayon sa isang source, posibleng walang koordinasyong nangyari sa pagitan ng PDEA at DSOU sa operasyon kaya nagkaengkwentro ang mga ito.

Sinabi ng source na nagsagawa umano ng ‘sell bust’ ang asset ng PDEA habang ‘buy-bust’ naman ang asset ng DSOU.

SM food to go Banner Ad

Nang dadakmain na ang asset ng DSOU ay doon na nagkabarilan. “Posibleng labanan dyan ay asset to asset,” ayon sa source.

Habang isinusulat ito, ay tatlo umanong pulis ang namataang duguang nakabulagta.

Kasabay nito ay nagpalabas ng statement ang pamunuan ng Ever Commonwealth na dahil sa naganap na barilan sa labas ng establisyimento ay agad naman nilang nai-secure ang paligid ng gusali at agad nilang tiniyak ang kaligtasan ng mga nila empleyado at kostumer.

“We have confirmed reports of a shootout that happened earlier outside of Ever Commonwealth. We have secured all acces to the mall so all shoppers are safe inside. Our Priority right now is to ensure the safety of the employees and the public. The management is closely coordinating with the PNP of the current situation. Please bear with us as we allow the authorities to handle the situation. For now, we hope for everyone’s cooperation to exercise caution in sharing unconfrimed in sharing unconfirmed information online.” (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.