Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PDP exec matunog na Comelec chairman

0 95

Namumuro umano ang pa­ngalan ni Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban) secretary general Melvin Matibagbilang bagong chairman ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na taon.

Sa ulat ng online news na politics.com.ph tatlong buwan bago idaos ang national at local elections ay mababakante angpinakamataas na posisyon sa poll body dahilsa nakatakdang pagreretiro ni Comelecchairman Sheriff Abas sa Pebrero.

Kasabay ni Abas na bababa sa puwesto sinaComelec Commissioner Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr.

Itinalaga ng yumaong si da­ting PangulongBenigno Aquino si Guanzon noong Abril ng 2015 samantalang Hulyo noong 2018 nangipuwesto ni Pangulong Duterte si Kho.

Mapalad naman umano si Abas dahil matapossiyang ita­laga ni Aquino bilangcommissioner ng Comelec noong Abril ng 2015 ay hinirang siya ni Pangulong Duterte nahepe ng ng komisyon matapos magbitiw sidating chairman Andres Bautista noongNobyembre ng 2017.

SM food to go Banner Ad

Inaabangan umano ang itatalaga ni PangulongDuterte na bagong chairman ng komisyondahil sa mabigat na tungkulin na nakaatangsa kanyang balikat habang papalapit angeleksiyon sa Mayo ng susunod na taon.

Sa hanay ng mga kakampi ng Pangulo sagobyerno, napipisil umano nito si Matibagdahil sa mga kuwalipikasyon nito bukod sapagiging secretary general ng kanilangpartido.

Isa ring abogado at bukod sa pagigingbusiness executive ay kasalukuyan din siyang president at chief executive director ng National Transmission Corporation.

Mayroon din itong degree ng Master of Laws sa Wayne State University, Michigan, U.S.A, Juris Doctor sa Ateneo de Manila University-School of Law at Bachelor of Arts, Major in Philosophy sa University of Santo Tomas.

Nanilbihan din siya bilang general manager ng Terminal 3, assistant manager for operations at head executive assistant ng Manila International Airport Authority (MIAA) noong 2008 hanggang 2010. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.