Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PDP, NP prayoridad sa watcher – Comelec

0 40

Kinilala ng Commission on Elections (Comelec) ang PDP-Laban bilang dominant majority party at ang Nacionalista Party naman ang dominant minority party para sa halalan sa Mayo 9.

Base sa Resolution 10787, inilahad ng Comelec na bibigyan ng prayoridad ang mga watcher ng dalawang nabanggit na partido kapag maliit lamang ang lugar para sa canvassing o consolidation center.

Subalit hindi naman sinabi kung anong paksyon ng PDP-Laban ang kinilala ng Comelec.

Matatandaang nahati ang PDP-Laban sa grupo ni Energy Secretary Alfonso Cusia at ni Senador Aquilino Pimentel III.

Ayon sa Comelec, habang dinidinig ang petisyon ukol sa isyu ng PDP-Laban ay ituturing ito bilang isang partido lamang sa pagtukoy ng “dominant majority party” sa halalan sa Mayo 9.

Samantala, kabilang naman sa kinilalang mga national party ang Liberal Party, Aksyon Demokratiko, Nationalist People’s Coalition, Lakas-CMD, Partido para sa Demokratikong Reporma, National Unity Party, Laban ng Demokratikong Pilipino, Partido Federal ng Pilipinas, Akbayan, at United Nationalist Alliance. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.