Abante Tonite Interactive

PDu30, Kerry nagkaliwanagan sa Paris Climate Change

118

Pinaliwanagan ni US Secretary of State John Kerry si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa Paris Climate Change na matatandaang una nang tinutulan ng huli na kilalanin sa katwirang hindi ito signatory sa nasabing kasunduan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella natalakay sa pulong sa pagitan nina Pangulong Duterte at Kerry ang climate change at aminad­o ang Malacañang na nakatulong nang malaki ang nasa­bing diskusyon sa pagitan ng dalawang opisyal para mabigyang linaw ang usapin.

Matatandaang hindi suportado ni Duterte ang Paris­ agreement kung saan tinawag pa niya itong kalokohan dahil malulugi lamang umano sa ganitong kasunduan ang mga mahihirap na bansa na hindi na magagawang makipagsabayan sa mga mayayaman nang bansa bukod pa sa sagabal ito sa industriyalisasyon ng Pilipinas.

Sa ilalim ng kasunduan na nilagdaan ng may 200 bansa ay napagkasunduan na bawasan ang greenhouse gas emission na siya umanong sanhi ng globa­l warming.