Abante Tonite Interactive

PDu30 may ebidensya sa pasabog vs Trillanes

By
6

Kumpiyansa ang Malacañang na mayroong sapat na ebidensiya si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga ibinunyag niyang iba’t ibang bank accounts ni Senator Antonio Trillanes na nakakalat sa America,­ Hong Kong at Australia.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na malawak ang intelligence resources ng Chief Executive dahilan upang makakuha ng mga classified information.

Ayon kay Andanar, ang mga patikim na pasabog ni Pangulong Duterte sa mga bank accounts ng senador ay tiyak na masusundan ng tuluyang paglalantad sa publiko sa mga susunod na araw habang patuloy ang pag-iipon ng ebidensiya ng Pangulo hinggil dito.

Dagdag ni Andanar na hindi naman ibubunyag ng Pangulo ang mga impormasyon tungkol sa mambabatas kung wala itong hawak na sapat na ebidensiya na tiyak na dumaan sa masusing proseso.