Abante Tonite Interactive

Peace and order sa Las Piñas tututukan

288

Nag-courtesy call ang bagong talagang direktor ng Southern Police District (SPD) na si P/Co­lonel Emmanuel Peralta kay Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar at Vice Mayor April Agui­lar upang mapag-usapan ang pagpapalawak ng mga peace and order measure sa mga barangay.

Ang naturang pagbisita ni Peralta kasama si Las Piñas Police Chief P/Col. Segundo Lagund ay bilang tugon sa pagpapaigting ng lokal na pulisya upang mapigilan ang pagkalat ng illegal drugs at illegal gambling.

Bukod pa rito, ipinangako rin ni Peralta kay Aguilar na kanya mismong babantayan ang kilos ng kapulisan sa lungsod lalo na sa pakikipaglaban nito sa mga hindi inaasahang pangyayaring kriminal na aktibidad sa lungsod.

Sinabi ng mayora na gusto niyang mapa­natili ang tahimik na siyudad at malayo sa anumang masamang mangyayaring aktibidad na manggagaling sa mga kriminal kaya malaki ang tiwala niya sa Las Piñas Police at sa bagong talagang SPD director.

Sa ngayon base sa mga police record, pa­tuloy ang pagsasagawa ng operasyon ng lokal na pulis­ya laban sa iligal na sugal at droga kasabay ng implementasyon ng pag-aresto sa mga lumabag sa city ordinance tulad ng pag-inom sa pampublikong lugar.

Patuloy din ang pag-aresto ng Las Piñas City Police sa mga suspek na may warrant of arrest at nahaharap sa iba’t ibang kasong kriminal. (Vick Aquino)