Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Peace talk ‘di magtatagumpay – Duterte

0 187

Hindi kailanman magtatagumpay ang peace talks sa New Peoples Army (NPA) hanggat hindi tumitigil sa pag-atake sa mga puwersa ng gobyerno.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular Talk to the People kasunod nang pag-atake ng mga rebelde sa puwersa ng 85th Infantry Batallion sa bayan ng Buenavista , Quezon noong June 5,2021.

“They only have the condemnation of the people, especially from me. Kaya hindi talaga tayo magkaintindihan kailanman. No peace talks can ever succeed under me or under any other president if yoy do not stop attacking government forces and even civilian leaders,” anang Pangulo.

Hindi maintindihan ni Pangulong Duterte kung bakit napaka-insensitibo ng mga NPA at kailangang atakehin ng mga komunista ang mga sundalong maghahatid ng tulong at pagkain sa mga mahihirap na Pilipinong apektado ng COVID pandemic.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.