Abante Tonite Interactive

Peace talks sa NPA, sa next president na

By
5

Tuluyang isinara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pintuan sa Communist Party of the Philippines (CPP) makaraang ihayag na wala nang magaganap na peace talks sa kanyang panahon.

Sa kanyang talumpati kahapon sa 58th Philippine Army Change of Command ceremony sa Fort Bonifacio, Ta­guig City, sinabi ng Pa­ngulo na ayaw na niyang makipag-usap sa New People’s Army (NPA) at ipauubaya na niya sa susunod na Presidente ang pakikipag-usap sa grupo ni Jose Maria Sison.

Mahigit na aniyang limampung taong nakiki­paglaban ang gobyerno sa mga komunista at sa kabila ng mga nakalipas na peace talks ay wala pa ring nangyayari.

“We are fighting the New People’s Army. At this stage I am not ready to talk to them because it is not good for the country. Kung para lang sa bayan ok ‘yan, but the way that it is now, ayaw ko. And maybe it takes some time to… maybe another President to do it,” ang pahayag ni Pa­ngulong Duterte.

Batid aniya ni Sison na hindi na uubra ang nais nitong mangyari lalo pa at matanda na ito kaya dapat tanggapin ang katotoha­nan na hindi pinagbibigyan ang lahat ng kapritso ng kanilang kilusan.

“Alam mo, pagka-bata ka pa you are full of idealism… mayroon pang naiwan konti na lang.. It’s a full of ideal set of what you want the world to be.

But when you get older, alam mo na this is not really possible, that life is really unfair. It ain’t really fair,” ang dagdag na pahayag ng Presidente.